Inaalam na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang katotohan sa likod ng alegasyong inireregalo umano ni Kingdom of Jesus Jesus Christ (KOJC) Leader Apollo Quiboloy ang mga babaeng miyembro nito sa kanyang mga kaibigan.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PCol. Jean Fajardo magmula nang mahuli si Quiboloy marami ang lumalapit sa kanila upang magbahagi ng kanilang nalalamang impormasyon at karanasanan sa kamay ni Quiboloy.
Sinabi ni Fajardo na kinukuhanan na nila ng statement ang mga biktima at nasa proseso na sila ngayon nang pagdodokumento ng mga ebidensya upang masampahan ang mga lumabag sa batas ano man ang kanilang katayuan o estado sa buhay.
Hawak na rin ng pulisya ang isa sa umanong dating kasapi ng ‘Angels of Death’ ni Quiboloy na kanila na ring kinuhanan ng salaysay.
Ani Fajardo seryoso ang nasabing alegasyon at pasok ito qualified human trafficking at sex trafficking na non bailable case.
Kasunod nito, umaapela ang PNP sa mga posible pang biktima nang pang momolestiya ni Quiboloy na lumapit sa pulisya at nangako itong bibigyan sila ng proteksyon.