Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ginagamit lamang ng mga kritiko ang mga alegasyong pagpapalawig ng termino sa pamamagitan ng Charter Change (Cha-cha).
Giit ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang alegasyon pero sigurado umanong ginagamit lamang ito bilang isyu na pampukpok sa kaniyang ulo.
Nakakatutok lamang aniya sa economic provision tulad ng ownership sa mga korporasyon, ang isinusulong na amendments sa Saligang Batas.
Tiniyak din ng pangulo na hindi gagalawin sa Cha-cha ang political structures ng bansa.
Matatandaang kamakailan ay binanatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Cha-cha na gagamitin umano para palawigin ang termino ng mga nakaupong opisyal.
Facebook Comments