Alejano, pinayuhan ni Speaker Alvarez na sa mental hospital ihain ang reklamo sa ICC

Manila, Philippines – Pinayuhan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sa mental hospital na lamang ihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang reklamo nito laban kay Pangulo ng Rodrigo Duterte.

Kasabay nito ay minaliit ni Alvarez ang banta ni Alejano na iaakyat na rin sa International Criminal Court o ICC ang reklamo sa Pangulo.

Ayon sa Speaker, hindi dapat pag-aksayahan ito ng panahon dahil wala namang hurisdiksiyon ang ICC sa mga pangyayari sa bansa.


Pinayuhan nito si Alejano na sa mental hospital na lamang dalhin ang complaint dahil baka may hurisdiksiyon pa dito ang institusyon para sa mga may diperensiya sa pag-iisip.

Si Alvarez ay kasama sa unang reklamong iniakyat sa ICC ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio laban sa Pangulo.
Samantala, sinagot naman ni Alejano si Alvarez na pinatutunayan lamang nito na dapat itong isama sa complaint sa ICC dahil isa ito sa mga nagtatakip para sa Pangulo at sa mga insidente ng extra judicial killings sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments