Alejano, walang pagsisisi sa pagpapa-impeach kay P-Duterte

Manila, Philippines – Wala umanong regrets o pagsisisi si Magdalo Rep. Gary Alejano sa paghahain nito ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Alejano, alam niyang tama ang kanyang ginagawa kaya wala siyang dapat na pagsisihan.

Hindi rin niya dapat ikahiya ito dahil nanindigan lamang siya sa tamang prinsipyo na dapat panagutin ang Pangulo sa mga kaso ng extra judicial killings pati na sa mga hindi nito deklaradong yaman.


Binweltahan naman ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mayorya sa hindi pagbibigay ng due process kay Alejano.

Aniya, halata namang brinaso ng supermajority si Alejano para hindi na ito makapagpaliwanag at hindi rin nasunod ang dapat na proseso sa impeachment complaint.

Isinakripisyo umano ng Mababang Kapulungan ang due process dahil sa pagiging sunud-sunuran sa Pangulo.

DZXL558

Facebook Comments