AlEmpoy, todo pasalamat sa mga tumatangkilik ng kanilang pelikula

Showbiz – Todo pasalamat pa din ang “Alempoy” (Alessandra de Rossi at Empoy Marquez) dahilsa tumatangkilik ng knailang pelikula na “Kita Kita”.

Nabatid kasi na as of August 1, umaabot na sa 230 million pesos ang kita ng pelikula kung kaya’t may malaking bonus ang dalawa sa producer nito na si Piolo Pascual kasama na ang Director nito na si Sigrid Andrea Bernardo.

Plano naman ngayon ng Alempoy na masundan ang kanilang pelikula at abangan na lang daw ang tema nito.


Palabas pa rin hanggang ngayon ang nasabing pelikula at naghahanda na din para sa international screening.

Facebook Comments