Makalipas ang tatlong taon, itinaas sa alert level 1 ang Taal Volcano dahil sa abnormal na aktibidad ito.
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ng 50 volcanic earthquakes sa Taal simula lang nitong Marso 22.
Maliban rito, nakitaan din ng mga pagbabago sa bulkan gaya ng ground deformation at paglalabas ng gas habang ang edifice nito ay lumulobo simula pa noong Enero.
Mahigpit munang ipagbabawal ng NDRRMC ang paglapit sa main crater ng Taal dahil sa posibilidad ng pagbuga nito ng mga volcanic gas at sa steam explosions.
Isinailalim rin ang buong isla ng Taal Volcano sa permanent danger zone at binalaan ang publiko na ipinagbabawal ang pagpunta dito.
Facebook Comments