
Umabot sa 26 na volcanic earthquakes at dalawang rockfall event ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, nanatiling nakataas ang Alert level 1 status ng bulkan kaya paaalala ng ahensya sa publiko na maaaring mangyari ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, rock fall mula sa tuktok ng bulkan, at pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan.
Nakakapagtala ngmahigit 600-toneladang Sulfur Dioxide Flux sa bulkang Mayon kada araw batay sa huling monitoring nitong September 3, 2025.
Mahina naman o naaaninag lamang sa telescope ang banaag o crater glow, habang katamtaman ang pagsingaw ng plume sa bulkan at mayroon ding pamamaga ang bulkan.
Mahigpit naman na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpapalipad ng anumang sasakyang paghimpapawid sa ibabaw ng bulkan Mayon.









