Alert level 1, nakataas sa Bulkang Taal matapos makapagtala ng tatlong pagyanig

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng tatlong beses na pagyanig sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Kahit hindi nakapagtala ng pagbuga ng abo ang bulkang taal, itinaas pa rin ng PHIVOLCS sa alert level 1 sa nasabing bulkan, ibig sabihin adnormal pa rin ang galaw nito.

Kaya naman ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang paglapit sa Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal.


Inabisuhan na rin ng ahensya ang Civil Aviation Authorities ng bansa na huwag munang dumaan ang mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan bilang precautionary measures.

Kasama rin sa inabisuhan ang mga Local Government Units na malapit sa bulkang taal na maging handa at i-monitor ang aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments