Manila, Philippines – Umabot na sa 21,000 indibidwal o katumbas ng higit 5,000 pamilya ang inilikas kasabay ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa interview ng RMN kay OCD-5 Director Claudio Yucot – ang mga residenteng lumikas ay karamihan ay nakatira sa seven kilometer permanent danger zone matapos itaas sa alert level 3 ang bulkan.
Nanatili ang mga ito sa 22 evacuation centers.
Sinabi pa ni Yucot – nagtalaga sila ng mga lugar kung saan pwedeng puntahan ng mga turista at masilayan pa rin ng ligtas ang bulkan.
Sa ilalim ng alert level 3, nakikitaan na ng paglabas ng lava mula sa bunganga ng bulkan.
Samantala, nakataas na sa blue alert status ang NDRRMC bunsod ng walang tigil na ulan sa Visayas at ulan maging ang pag-aalburuto ng Mayon.