Kasunod nang nagpapatuloy na kaguluhan sa Libya.
Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Libya na maghanda para sa posibleng evacuation.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano nasa alert level III na ang Libya kung saan sa ngayon ay nagpapatupad na ng voluntary repatriation.
Sinabi pa ni Cayetano na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbabakasyon sa Pilipinas at nakatakdang bumalik sa Libya ay hindi na muna hahayaang makaalis.
Kasunod nito mayroon na aniyang naka-standby na rapid response teams na aasiste sa paglikas sa tinatayang 1,800 mga Pinoy sa Tripoli na naiipit ngayon sa kaguluhan.
Pinapayuhan din ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa embahada kung nais nilang magpalikas mula sa kanilang lugar.
Sa datos ng DFA nasa 3,500 pa ang mga Filipinos sa Libya.