Alert level 3, itinaas ng DFA sa Iraq

Inaabisuhan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong tutungo ng Iraq na kanselahin ang biyahe nito kasunod ng lumalalang tensyon sa rehiyon.

Ito ay matapos mapatay sa ikanasang airstrike ng Estados Unidos ang top Iranian commander na si Qassim Suleimani sa Baghdad.

Base sa travel advisory, hinikayat ng DFA ang mga Pilipino na huwang munang pumunta sa Iraq dahil sa rin sa hindi maayos na sitwasyon doon.


Pinayuhan naman ang mga Pilipino sa Iraq na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas at sa kanilang employer.

Ang Pilipinas ay nagpatupad na ng alert level 3 o voluntary repatriation sa lahat ng lugar sa Iraq maliban sa Iraqi Kurdistan Region na nananatiling na nasa alert level 1 o precautionary phase.

May umiiral ding deployment ban ng Filipino workers sa Iraq.

Facebook Comments