Itinaas sa alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Libya dahil sa civil war.
Dahil dito, ipatutupad sa tinatayang 4,000 manggagawang Pinoy sa Libya ang voluntary repatriation para na rin sa kanilang kaligtasan.
Paliwanag ng DFA, inirekomenda ng Philippine Embassy sa Tripoli na itaas ang alerto dahil sa paglala ng kaguluhan doon at maging ang ilang residential areas ay nagiging target na umano ng bakbakan.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sakop ng alerto sa Tripoli at ilang distrito sa loob ng 100-kilometer radius nito kabilang ang.
To the east
- Tajoura
- Ghot Romman
- Qaraboli
- Qasr Khiyar
To the south
- Esbea
- Tarhuna
- Bani Waled
- Gharyan
To the west
Aziziya
- Warshifana
- Zawia
- Surman
- Sabratha
Mahigpit ring munang ipagbabawal ng kagawaran sa mga Pinoy na makapunta sa Libya hangga’t hindi humuhupa ang sitwasyon sa lugar.
Pinayuhan rin ng embahada ang mga Pinoy na nasa lugar ng kaguluhan na magtungo sa mga ligtas na lugar o makipag-ugnayan sa kanila para sila matulungan.