Alert level 3, itinaas sa 6 na probinsiya simula ngayong araw

Anim pang lalawigan sa bansa ang itinaas sa Alert Level 3 simula ngayong araw.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, tatagal hanggang Pebrero 15 ang paglalagay sa Alert Level 3 sa mga lalawigan ng Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.

Inilagay ang mga nabanggit na lugar sa mas mahigpit na alert level dahil sa pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19.


Sa ngayon, nasa ilalim din ng Alert Level 3 ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa hanggang katapusan ng Enero.

Facebook Comments