Alert level 4, itinaas na ng DFA sa Afghanistan

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Afghanistan.

Ito ay matapos tuluyan nang masakop ng Taliban, isang military organization sa Afghanistan ang mga malalaking siyudad sa bansa partikular na ang capital ng Kabul.

Sa ilalim ng Alert level 4, mahigpit nang magpapatupad ang DFA ng paglilikas sa lahat ng mga Pilipino na nasa Afghanistan.


Maging ang Philippine Embassy sa Pakistan na mayroong hurisdiksiyon sa Afghanistan, ay tutulong na rin sa paglikas ng mga natitirang Pilipino sa nasabing bansa.

Tinatayang nasa 130 Pilipino pa ang nasa Afghanistan.

Facebook Comments