Alert Level 4, itinaas na ng DFA sa Ethiopia dahil sa giyera

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Ethiopia dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa lugar sa pagitan Tigray at iba pang katabi nitong rehiyon.

Sa inilabas na pahayag ng DFA, inabisuhan nito ang mga Pilipino na nasa bansa na huwag munang magtungo sa pampublikong lugar kung hindi naman kinakailangan.

Sa ilalim ng Alert Level 4, naghahanda na ng mandatory evacuation procedures ang national government para sa mga mamamayan nito dahil kumakalat na ang gulo sa bansa.


Para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong mula sa Philippine Embassy in Cairo, Egypt, makipag-ugnayan lamang sa (+202) 252-13062 o sa kanilang Facebook page.

Maaari rin nilang kontakin ang Philippine Honorary Consul in Addis Ababa sa pamamagitan ng hc.philippines.aa@gmail.com o sa telephone number (+251) 118 648 752.

Facebook Comments