Alert level 4 nakataas pa rin sa Bulkang Taal

Muling iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mapanganib pa ring lumapit sa Bulkang Taal.

Ayon kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Division Chief Ma. Antonia Bornas – mananatili ang alert level 4 at patuloy pa rin nilang inirerekomenda ang total evacuation sa 14-kilometer danger zone mula sa crater.

Pero sinabi ni Bornas na humina ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal at nabawasan din ang mga naitatalang pagsabog.


Umikli rin ang mga ibinubuga nitong usok.

Dagdag pa ni Bornas – dahil bukas na ang bunganga ng bulkan, mas mabilis na ang paglabas ng magma nito sakaling sumabog ito.

Sa ngayon, nagpapatupad ng window hours sa Batangas kung saan pwedeng balikan ng mga residente ang kanilang mga gamit at hayop sa loob ng apat na oras.

Facebook Comments