MANILA – Ibinalik na ng Philippine National Police sa normal ang alert level sa bansa ngayong Miyerkules matapos ang isinagawang eleksyon.Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, ito ang kasunod sa assessment ng pnp na balik na sa normal ang sitwasyon sa bansa.Sa kabila nito, siniguro ni Mayor ang pagpapatupad pa rin ng mahigpit na seguridad kasabay sa pagbabantay sa mga balota sa national canvassing.Samantala, nananatili pa rin naman ang red alert status ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines.Sinabi ni Acting Chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda na ibababa lamang ang kanilang alert status sakaling magbalik na sa normal ang sitwasyon sa mga lugar na may election related incidents.Naging katuwang ng Commission on Elections ang PNP at AFP sa pagtitiyak ng maayos at mapayapang eleksyon noong lunes.
Alert Level Ng Pnp Matapos Ang Botohan, Balik Na Sa Normal – Pero Afp, Nananatili Sa Red Alert Status.
Facebook Comments