Alert level sa bansa, hindi pa kailangang itaas kahit may dalawang kaso na ng Omicron sa bansa

30

Wala pang nakikitang dahilan si Senator Joel Villanueva para muling itaas ang alert level sa bansa.

Pahayag ito ni Villanueva makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na mayroon ng dalawang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa Pilipinas.

Ikinatuwa ni Villanueva na natukoy na ng DOH ang dalawang Omicron cases sa ating bansa.


Dahil dito ay ipinaalala ni Villanueva sa lahat na hindi pa tapos ang pandemya.

Kaya ayon kay Villanueva, kahit tayo ay excited ng ipagdiwang ang Pasko ng magkakasama ay dapat pa rin tayong lubos na mag-ingat laban sa virus.

Diin ni Villanueva, mahalaga ang pagsasagawa ng social distancing, pagsusuot ng face mask, pagiging malinis, at pananatili sa bahay kung masama ang pakiramdam.



Facebook Comments