Alert level sa Mt. Kanlaon, itinaas

Negros Island – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level 1 sa Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Nakapagtala kasi ang PHIVOLCS ng pagtaas sa seismic activity ng bulkan na maaaring mauwi sa steam-driven phreatic eruption.

Sa interview ng RMN-DZXL kay Dave Emerenciana, science research specialist ng PHIVOLCS – mula December 2015, namonitor nila ang pamamaga sa edifice ng bulkan o pagtaas sa galaw ng magma.


Dahil dito, bawal na pumasok sa four-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan para makaiwas sa posibleng panganib ng ash fall.

Mula June 24, 244 na mga volcanic earthquakes na ang naitala sa Mt. Kanlaon.

Facebook Comments