Itinaas na sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkan Mayon sa Albay.
Batay sa inilabas na Mayon Volcano Bulletin ng Department of Science and Technology- Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), na-monitor ang tumitinding pag-aalburoto nito dulot ng patuloy na asiesmic growth ng lava dome.
Nauna nang itinaas ang Alert Level 1 sa Bulkang Mayon noong August 21 mula sa Alert Level 0.
Batay sa ipinapakitang aktibidad ng Mayon Volcano, mayroong pagtaas ng volume ng lava dome ng bulkan.
Sa aerial inspection ng Philvolcs, natatanaw ang pagkakaroon ng crack sa summit ng lava dome na palatandaan umano na nagbabanta ang phreatic at magmatic eruptions.
Sa ngayon, nanatili ang anim na kilometrong radius ng permanent danger zone sa Bulkang Mayon.
Mahigpit na binabantayan ng DOST-PHIVOLCS ang kalagayan ng Mayon Volcano at pinayuhan ang publiko na maging alisto sa anumang bagong development.