Pabor si 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa pagpapatupad ng granular lockdown at bagong alert level system na iiral simula bukas sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Legarda na maaari itong makatulong sa ekonomiya at kabuhayan ng mga nasa COVID-19 low risk area.
Pero para kay Legarda, dapat maliwanag sa mga Local Government Unit ang nilalaman ng guidelines ng Inter-Agency Task Force upang matiyak na maayos itong maipapatupad at naiintindihan ng taongbayan.
Kasabay nito, umapela ang senadora na ikonsidera na payagan ang mga senior citizen at mga bata sa mga open space area upang hindi rin sila maburyong sa loob ng kanilang tahanan.
Facebook Comments