Alert level system, dapat manatili kahit alisin na ang state of public emergency ng COVID ayon sa isang health expert

Kailangang manatili pa rin ang alert level system kahit pa alisin na ang state of public emergency ng COVID.

Ito ang sinabi ni Dr. Benito Atienza ang vice president ng Philippine Federation of Professional Associations sa Laging Handa public briefing.

Paliwanag ni Dr. Atienza, kailangan pa ring mabigyan ng gabay ang publiko, lalo na ang heath workers at maging mga ospital kaya importanteng manatili ang alert level system.


Dagdag pa ni Dr. Atienza, mahalagang maipagpatuloy ang monitoring lalo’t marami pa rin ang nagkakasakit ng COVID.

Sinabi pa ni Dr. Atienza na kung aalisin man ang state of public emergency ng COVID, kailangang mabakunahan muna ang batang edad limang taong gulang pababa upang makaiwas sa sakit na COVID.

Facebook Comments