Alert Level System, ipinatutupad na ngayon sa buong bansa

152

Buong Pilipinas na ang nakasailalim sa COVID-19 alert level system.

Ito ay matapos aprubahan ng Malacañang ang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa lalawigan ng Apayao, Mountain Province, Ifugao, Dinagat Islands at Sulu.

Habang nasa ilalim naman ng Alert Level 2 ang MIMAROPA at mga nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, CARAGA at BARMM.


Magsisimula ito ngayong araw at maaari pang magbago sa katapusan ng Nobyembre.

Facebook Comments