Nakatakdang ilunsad ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang alert mechanism na magbibigay prayoridad sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga media workers.
Ito ay alinsunod na rin sa hangarin ng Komisyon na maging bahagi ng pagpapatupad ng Plan of Action for the Safety of Journalists.
Layon ng ‘Alisto! Alert Mechanism’ na magkaroon ng isang direktang platform na mapagsusumbungan ng mga media workers kaugnay sa mga kaso ng pag-atake, pananakot, panggigipit o pang aabuso.
Plano ni CHR Chairperson Richard Palpal-latoc na opisyal na ilunsad ang inisyatiba kasabay ng selebrasyon National Press Week ngayong taon.
Kinikilala ng CHR ang hindi matatawarang papel ng mga media workers sa pagtatanggol sa demokraksya na nakaugat sa katotohanan at katarungan.
Ito aniya ay naipapakita sa pamamagitan ng malayang pagdaloy ng evidence-based information sa publiko.
Nanawagan ang CHR sa panahalaan na tugunan ang mga hamon sa mga Media workers, partikular ang pagkakaroon ng isang safer environment sa kanilang linya ng trabaho.