Nagpadala ng alert message ang federal emergency management agency sa halos 300 milyong mobile phone users sa Estados Unidos.
Ito ay bilang test lamang para sa presidential alert system na layong bigyang babala ang publiko sakaling mayroong national emergency.
Sabay-sabay tumunog ang lahat ng phones na may kasamang espesyal na vibration kung saan makikita ang mensaheng: *‘this is a test of the national wireless emergency alert system. No action is needed.”*
Bukod sa mga cellphone, mayroon ding hiwalay na alert system para sa TV at radyo.
Nilinaw naman ng federal officials na walang kinalaman si U.S. President Donald Trump sa pagpapadala ng alerts.
Ang alert message sa Amerika ay katulad sa mga ipinapadalang alerto ng NDRMMC sa mga mobile phone users sa Pilipinas kapag may kalamidad.