Alert notice ng US Homeland Security sa NAIA, inalis na

Inalis na ng United States Department of Homeland Security ang inilabas nitong public notice tungkol sa seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Homeland Security acting Secretary Kevin Mcaleenan – ipinag-utos na niyang bawiin ang public notice.

Nakita nila na nagkaroon na ng improvements sa security operations sa NAIA.


Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon pa inilabas ang abiso matapos matuklasang nabigo ang Pilipinas na ipatupad at panatilihin ang international security standards at recommended practices na inilatag ng international civil aviation organization.

Nangako ang departamento ng Amerika na makikipagtulungan sa ating gobyerno upang matiyak na mayroong strong security posture sa Manila at palakasin ang global aviation security.

Facebook Comments