Manila, Philippines – Nakataas na ngayon sa Blue alert status ang operation center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito ay dahil sa walang tigil na pag-ulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao at sa phreatic eruption ng bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ang pagtataas nila ng alerto ay upang mas magkaroon ng mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Marasigan na ganitong pagkakataon ay mahalaga ang maayos na koordinasyon ng NDRRMC, Local Disaster Risk Reduction Management Office at lokal na pamahalaan upang agad ba mabigyang ayuda ang mga evacuees na naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagaalburuto ng bulkang Mayon.
Sa ngayon mayroon nang mahigit 12 libong katao ang lumikas dahil sa pagaalburoto ng bulkang Mayon habang 623 pamilya na rin ang lumikas sa Northern Samar, Samar at Leyte.