Alerto ng Eastern Mindanao Command, itinaas matapos ang pagkakapatay nina Omar Maute at Isnilon Hapilon

Mindanao – Nagtaas na ng alerto ang Eastern Mindanao Command bilang paghahanda sa posibleng paghihiganti ng Maute-ISIS sympathizers.

Kasunod ito ng pagkakapatay sa dalawang lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Mismong si Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero, ang nagpalabas ng utos upang mas mapaigitng ang security operations sa area of responsibility ng Eastern Mindanao Command.


Partikular na pinatututukan ni Gen. Guerrero ang border security ng silangang bahagi ng Mindanao para mapigilan ang pagpasok at paglabas ng mga terrorista sa tinaguriang back door ng bansa.

Bukod dito, pinagana na rin ang Inter-Agency Border Security Coordinating Council sa region 11 na itinatag sa pamamagitan ng memorandum of understanding na nilagdaan ng member agencies noong September 15, 2017 sa Naval Station Felix Apolinario Panacan, Davao City.

Paalala naman ng heneral sa mga mamamayan na laging maging mapagmasid at agad na i-report sa mga autoridad ang mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Facebook Comments