Matapos ang malalaking events sa bansa ibinaba na ng Philippine National Police sa normal status ang kanilang alerto.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde iniutos nya na sa PNP Regional Directors ng Region 1 hanggang region 8, kabilang pa ang Cordillera region at National Capital Region ang pagbaba sa normal alert status.
Habang nanatili naman sa full alert status sa buong Mindanao dahil sa umiiral pa ring Martial Law.
Bagamat nasa normal alert status na ang halos lahat ng rehiyon sa bansa, magpapatuloy ang focused Police Operation ng PNP kontra sa criminal gangs, terorista at lawless elements upang mapigilan ang anumang planong karahasan.
Sa ngayon nakatutok ang PNP sa pagbibigay ng seguridad sa mga eskwelahan sa buong bansa bahagi ng pagbubukas ng klase sa Lunes.
120,000 na mga pulis ang idedeploy ng PNP para sa pagbubukas ng klase sa susunod na Linggo.