ALERTO! REHIYON UNO FORUM UKOL SA MGA GEOLOGICAL HAZARDS SA REHIYON UNO, ISINAGAWA SA BAYAN NG LINGAYEN

Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST)-Regional Office 1 ang “Alerto! Rehiyon Uno Forum on Geological Hazards in Region 1” na ginanap sa Provincial Training and Development Center 2 sa Lingayen, Pangasinan noong Huwebes, ika-20 ng Hulyo.
Ang aktibidad na ito ay para sa mga opisyales, gaya na lamang ng Gobernador., kinatawan ng distrito, mga direktor ng iba’t ibang ahensya sa rehiyon, mga local executives, mga presidente ng unibersidad at state colleges, at mga kinatawan ng media upang alamin ang mga geological hazard at maingat na magplano upang maiwasan ang masamang epekto nito sa komunidad.
Isa sa layunin nito ay isang pagkakataon upang ipakita ang mga nauugnay na katotohanan at impormasyon, at naaangkop na mga teknolohiya sa mga geological hazard na gagamitin kapag mayroong kalamidad.

Inilahad ng DOST-Secretary Renato Solidum Jr. ang naging panauhing pandangal at kanyang inilahad ang ukol sa mga hamon at pananaw para sa disaster resilience sa Rehiyon 1.
Dito, bisita rin si DOST Undersecretary Teodoro Gatchalian kung saan ayon sa kaya na ang mga geological hazard ay palaging isang intrinsic na bahagi ng dynamic na kalikasan.
Aniya, nakapahalaga kung lahat at magtutulungan para nang sa ganoon ay mabawasan ang magiging epekto ng mga panganib sa mga komunidad.
Pagbutihin aniya ang kaalaman ng publiko sa mga geological hazard, lumikha ng isang mas matatag na komunidad, at matuto mula sa mga karanasan ng bawat isa upang magbukas ng pinto sa mas ligtas at napapanatiling hinaharap. |ifmnews
Facebook Comments