Alerto sa Bulkang Bulusan, itinaas ng Phivolcs

Itinaas ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 1 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon dahil sa mga kakaibang aktibidad.

Sa press bulletin na inilabas ng Phivolcs, pinagbabawalan ang publiko na pumasok sa four-kilometer Permanent Danger Zone ng Bulkang Bulusan dahil mapanganib ito.

Posibleng makaranas ng pagbuga ng usok ang bunganga nito na posibleng may kasamang phreatic explosion.


Pinayuhan din ng ahensya ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maglabas ng abiso sa lahat ng mga airline companies na iwasan ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa paligid ng bulkan.

Pinaalalahanan din ang mga residenteng malapit sa mga ilog lalo na ang mga nasa southwest, nortwest at southeast area ng bulkan na maging alerto sa posibleng pagdausdos ng lahar kapag may mga malalakas na pag-ulan.

Facebook Comments