Thursday, February 12, 2026

Aleson Shipping Lines, kinastigo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3

Matinding batikos ang inabot ng Aleson Shipping Lines mula kay Kamanggangawa Partylist Rep. Eli San Fernando sa pagdinig ng House Transportation Committee ukol sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatang sakop ng Basilan, kung saan mahigit 50 katao ang nasawi.

Sa pagdinig, paulit-ulit na iginiit ng Aleson Shipping Lines na safety compliant at ligtas ang kanilang mga barko, kabilang ang lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.

Ngunit, mariing pinuna ni Rep. San Fernando ang kumpanya, at iginiit na hindi man lang nahiya ang Aleson Shipping Lines sa kalagayan ng mga pasahero, gayong malinaw na isinasakripisyo nito ang kaligtasan ng tao sa ngalan ng kita.

Dismayado rin si Committee Chairman at Quezon City Rep. Franz Pumaren, dahil ilang barko na ng Aleson Shipping Lines ang nasangkot sa mga insidente. Kumbinsido siya na ang M/V Antonio 2 ang dapat sana’y nagsilbing sasakyan ng mga pasahero noon, at hindi ang M/V Trisha Kerstin 3.

Facebook Comments