Alessandra De Rossi, ipinagtanggol ang aktres na si Heart Evangelista sa kanyang mga haters

“Paramihan na lang ng gawa kesa paramihan ng kuda”

Ito ang sinabi ni Alessandra De Rossi sa mga bumabatikos sa aktres na si Heart Evangelista matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Heart, wala siyang ginagawang masama dahil gusto lang niyang ipakita sa publiko ang kanyang art at fashion pero dalawang beses na umano siyang binabatikos ng ilang netizens.


Sa Twitter post ni Alessandra, nakiusap siya sa mga netizen na tantanan na dahil maraming natutulungan at napapasaya si Heart lalo na ngayong nasa gitna ng krisis sa COVID-19 pandemic.

Aniya, bukod sa pagiging animal lover ni Heart ay madami na rin siyang nabahagian ng blessings kaya imbes na magbilangan ng kabutihang nagawa ay i-appreciate na lang ito dahil ang mahalaga ay nakakatulong si Heart sa ibang tao.

Facebook Comments