Alex G, binastos nga ba sina Rita Daniela at Ken Chan?

286

How true ang isyung binastos umano ng aktres na si Alex Gonzaga sina Rita Daniela at Ken Chan nang magkita sila sa isang airport sa Mindanao.

Kasunod ito ng post ng entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis na inisnab daw ng aktres sina Rita at Ken.


Agad naman itong itinanggi ni Alex at sinabing nakamayan pa raw nito ang dalawa at lahat ng iba pang artista na naroon sa nasabing lugar.

Say ni Alex, mukhang mali ang source ng entertainment columnist dahil nag Tweet pa umano siya nang sayawin ni Ken Chan ang pinasikat nitong dance craze.

Sa ngayon ay wala pang komento si Manay Lolit sa nasabing pahayag ni Alex.

Facebook Comments