Alex Gonzaga, gumaling na sa COVID-19

74

Gumaling na matapos tamaan ng COVID-19 ang aktres, host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa kaniyang latest vlog sa youtube, in-announce ni Alex na magaling na siya at nag-negatibo na rin siya sa swab test.


Dagdag pa niya, naka-survive at negatibo na rin sa sakit ang kaniyang Mommy Pinty, Daddy Bonoy, fiancé na si Mikee Morada at ang kaniyang assistant na si Sofie matapos din mahawaan ng COVID-19.

Ibinahagi ni Alex na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay asymptomatic habang siya, si Mikee at Sofie ay nakaramdam ng mga sintomas tulad ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy, lagnat, sipon at panghihina.

Sinabi rin ni Alex sa kaniyang vlog na nakuha umano nila ang COVID-19 mula sa isang kasamahan nila sa bahay na nag-crave at lumabas para kumain.

Aniya, ilang oras lang daw umanong lumabas ito at pagbalik ay malamang na nakuha na raw nito ang sakit.




Malaki ang pasasalamat niya at ang kaniyang buong pamilya sa Diyos dahil binigyan sila ng lakas ng loob na malagpasan ang pagsubok na ito.

Nagbigay advice din si Alex na kailangan talaga natin ng sobrang pag-iingat sa panahon ngayon, huwag mag-panic at palaging isipin na malalabanan ang COVID-19.

Facebook Comments