Alex Gonzaga, handa na nga bang magka-baby?

39

Inamin ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga na handa na siyang magkaroon ng baby matapos ikasal sa kaniyang husband na si Mikee Morada.

Sa isang interview ni G3 San Diego, ibinahagi ni Alex ang ilang bagay tungkol sa kaniyang personal life matapos ikasal kay Mikee.


Laman ng kanilang plano ang pagkakaroon ng mas malaking kasal at sariling bahay.

Nakaramdam naman ng kaba si Alex sa planong magkaroon ng baby dahil sa pandemya.

Sa ngayon, nakatanggap na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 ang parents ni Alex pagkatapos ng ilang linggong paghihikayat at pangungumbinsi.

Facebook Comments