Alex Gonzaga humingi ng paumanhin kay Mayor Edwin Olivarez

Image via Twitter/MJ Felipe

Personal na humingi ng paumanhin si Alex Gonzaga kay incumbent mayor Edwin Olivarez ng Paranaque City dahil sa mga sinabing masasakit na salita nitong kampanya.

Bago ang halalan, kumalat sa social media ang video ni Gonzaga na inaanunsyong “may pagkamadugas” ang kasalukuyang administrasyon. Nakuhanan ito ng isang supporter sa miting de avance ng kalabang partido ni Olivarez.

Ayon kay Gonzaga, mataas ang kanyang emosyon nitong eleksyon dahil tumatakbo rin ang kanyang ama at kasintahan.


“Noong nasabi ko iyon, actually, I felt na mali ‘yong nasabi ko. But then I went along. I said sorry din naman doon sa entablado na parang mali ‘yong nasabi ko but it was too late.”

“Ayoko nang umakyat ng stage na emotional. I’m really, really sorry,” tugon ni Gonzaga.

Buong pusong tinanggap ni Olivarez ang paumanhin ng Kapamilya host at actress.

“Immediately sa social media, nag-apology agad siya. Hindi tumagal iyon at nabasa ko iyon. Lalo pa akong na-overwhelm na personally na pumunta siya rito,” dagdag pa ni Olivarez.

Pinabulaan din ng reelectionist mayor na idineklarang persona non grata sa siyudad.

Si reelectionist councilor Jenny Quizon ang tumulong kay Gonzaga para makausap ng masinsinan si Olivarez.

 

Facebook Comments