Alex Gonzaga, nag-sorry na kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez

Nagka-ayos na sina Alex Gonzaga at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sa Facebook post ni Alex, makikitang pinuntahan niya ang opisina ng re-elected mayor para mag-sorry sa nasabi niya mula sa isang buradong vlog na may “pagkamadugas” daw si Olivarez.

Paliwanag ng aktres, hindi niya nakontrol ang sarili na mag-react sa kung kani-kanino pulitiko dahil tumatakbo rin ang kanyang amang si Bonoy Gonzaga at kasintahang si Mikee Morada.


Nanalong konsehal sa Lipa, Batangas ang boyfriend ni Alex habang hindi pinalad sa pagka-alkalde ng Taytay, Rizal ang kanyang tatay.

Tinanggap naman ni Mayor Olivarez ang sorry ni Alex at nilinaw na hindi idineklarang ‘persona non grata’ ang aktres sa lungsod.

Facebook Comments