Alex Gonzaga, pinatulan ang basher ng ama

Hindi inatrasan ng actress turn vlogger na si Alex Gonzaga ang isang basher na nanlait sa ama niyang si Carlito “Bonoy” Gonzaga nang matalo ito sa nakaraang midterm elections bilang mayor ng Taytay, Rizal.

Pagkatapos kasing mag-post ni Alex ng throwback picture kasama ang mga magulang na kuha sa trip nila sa Amsterdam, isang netizen ang nagkomento sa post niya at nagsabing madami nang time si daddy Bonoy dahil natalo ito.

Dahil prangka, agad itong sinagot ni Alex at ipinagtanggol ang kanyang ama.


Say ni Alex sa basher, marami na daw time sa kanilang pamilya, apo, negosyo at sa paglilingkod sa panginoon ang kanyang ama pero hindi pa rin ito sapat para patulan pa ang kanyang komento.

Tinawag pa ni Alex na sad life ang nasabing basher na wala daw karapatan na bwusitin at laitin ang kanyang ama.

Paliwanag ni Alex, tanggap nito na marami siyang basher pero iba na ang usapan kapag magulang na nito ang nilalait.

Facebook Comments