Alex Gonzaga, sinagot na ang hinala ng netizens na siya ay buntis

Sinagot na ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang hinala ng netizens na isa na siyang “preggy”.

Ito matapos mag-tweet ang aktres kung saan nagpasalamat ito sa Diyos para sa big blessing na kaniyang natanggap.

Dito na inulan ng tanong si Alex kung magkaka-baby na sila ng asawang si Mikee Morada habang ang ilan ay nagpaabot na ng pagbati sa kanilang dalawa.


Pero sagot ni Alex, sa ngayon ay hindi pa siya nagdadalang tao.

Matatandaang ito na ang ikalawang pagkakataon na inakala ng netizens na buntis ang aktres dahil sa litrato nito sa Instagram.

Facebook Comments