Alexander Balutan, itinanggi ang mga alegasyon ni Lacson

Itinanggi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan ang mga paratang ni Senator Panfilo Lacson na nabigyan ng small town lottery (STL) franchises ang mga retired police at military official.

Hinamon ni Balutan si Lacson na pangalanan ang mga nasabing heneral.

Kinuwestyon din ni Balutan kung bakit ipinupukol lamang ni Lacson ang alegasyon sa mga heneral.


Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Balutan sa PCSO noong 2016 pero sinibak nitong Marso dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Facebook Comments