Alfredo Lim at Isko Moreno nagkasundo paunlarin ang Maynila

Image via Facebook/Gising Maynila

Tinupad ni Manila City mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang sinabi noong matapos ang halalan hihingi siya ng tulong sa mga nakatunggaling alkalde para sa ikauunlad ng siyudad. 

Ilang oras bago makipagkita si Domagoso kay outgoing mayor Joseph “Erap” Estrada, nakipagpulong siya kay former mayor Alfredo Lim sa isang marangyang hotel sa Maynila upang hingin ang mungkahi nitong mapababa ang krimen at matiwasay ang buong siyudad.

Pinayuhan din siya ni Lim para maging maayos ang primary services ng Maynila.


Kasama din sa meeting ang transition team ni Domagoso sa pangunguna ni incoming Secretary to the Mayor Councilor Bernie Ang at incoming City Administrator Felix Espiritu.

Pinasalamatan ng incoming mayor si Lim dahil pumayag itong makipagusap sa kanya at sinabing uutusan ang pulisya sa mapayapang clearing operations ng mga kalsada at sidewalk vendors.

Nagkasundo ang dalawang pulitiko na magtutulungan para lalong umunlad ang Maynila.

Dagdag pa ni Domagoso, inirereklamo ng mga jeepney drivers ang mga vendors dahil okupado nila ang buong kalsada kaya palaging traffic sa Maynila. Ito rin ang pangunahing rason ng kanilang cutting trip.

Facebook Comments