Alias warrant of arrest kaugnay ng kasong human trafficking laban kay Pastor Apollo Quiboloy, inilabas ng Pasig City RTC

Inilabas na ng Pasig City Regional Trial Court ang alias warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa kaso nitong human trafficking.

Ito ang kinumpirma ni Davao Police Regional Director Nicolas Torre III.

Ang alias warrant of arrest ay inilalabas kapag hindi naipatupad ang orihinal na warrant, kadalasan dahil hindi matagpuan ang suspek.


Sa pamamagitan nito, muling binibigyan ng pagkakataon ang mga awtoridad na arestuhin ang akusado, gaya sa kaso ni Quiboloy.

Facebook Comments