Alicaocao Bridge sa Cauayan City, Hindi pa Madaanan!

32

Cauayan City- Nananatili paring lubog sa babaha ang Alicaocao bridge hanggang sa mga oras na ito dala na rin ng matinding pag-ulan at hangin na dulot ng bagyong Ompong.

Sa ngayon ay tinatayang nasa 41.40 ft. parin ang lebel ng tubig sa naturang tulay na kaya’t patuloy parin na binabantayan ito ng mga nakatalagang miyembro ng Incident Management Team sa Lungsod.

Samantala, bagamat wala pang mga sasakyan ang maaaring makadaan dito ay mayroon namang mga bangkang lumalayag upang ihatid ang mga residente sa kaibayong mga barangay.

Facebook Comments