ALICAOCAO OVERFLOW BRIDGE, MAAARI NG LAKARAN, MGA BEHIKULO DI PA PINAPAYAGAN

CAUAYAN CITY- Matapos ang ilang araw na lubog sa tubig ang Alicaocao Overflow Bridge ay maaari na itong daanan ng mga residente ngayong araw ika-5 ng Setyembre.

Sa panayam ng IFM News Team kay Chief Tanod Allan Laggui, nagsimulang bumaba ang lebel ng tubig dakong alas syete ng gabi kagabi at sa ngayon ay nasa 37.70 meters ang antas nito.

Aniya, hindi pa maaaring dumaan ang anumang behikulo at pansamantalang mga tao lamang ang maaaring tumawid dito dahil aayusin pa ang ginagawang daan sa dulo ng tulay na bahagi ng Brgy. Carabatan Chica.
Kaugnay nito, katuwang naman ng Brgy. Alicaocao ang POSD Cauayan sa pagbabantay sa tulay.


Samantala, kasalukuyan naman ang ginagawang pagsasaayos sa nasabing daan upang makatawid na ang anumang klase ng behikulo sa tulay.

Facebook Comments