Alice Guo at mga dating opisyal ng Bamban, Tarlac, sasampahan pa ng dagdag na kaso ng NBI

Nakatakdang sampahan ng karagdagang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Bamban Mayor Alice Guo at 35 iba pa.

Ayon kay NBI Director, Jaime Santiago, sasampahan na ng reklamo sa Ombudsman ang mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices at Article 216 ng Revised Penal Code o possession of prohibited interest by public officer.

Ani Santiago, may kaugnayan ang isasampang kaso sa mga property sa Bamban na ginagawang POGO na may appraised value na P3.9 billion.

Sasampahan din ng kasong administratibo ang mga opisyal dahil sa gross misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Matatandaang nakapiit ngayon si Alice Guo sa Pasig City Jail at nahaharap sa patong-patong na kaso kabilang na ang falsification of public documents, money laundering at anti-trafficking.

Facebook Comments