Alice Guo at pamilya, inireklamo dahil sa pagbili ng lupa sa Pangasinan kahit hindi Pilipino

Hindi pa tapos ang patung-patong na reklamong inihahain laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ngayong Martes ng hapon nang maghain ng panibagong mga reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Guo at apat na kaanak nito.

Sa ambush interview kay NBI Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin, kinasuhan ng falsification at paglabag sa Anti-Dummy Law ang sinibak na alkalde, gayundin ang magulang nitong sina Jiang Zhong Guo at Lin Wenyi.


Damay rin sa reklamo ang mga kapatid na sina Shiela at Siemen Guo.

Kaugnay ito sa pagbili ng mga lupain para sa kanilang farm sa Mangatarem, Pangasinan.

Nagpakilala raw kasi ang pamilya Guo na mga Pinoy kahit na napatunayan na Chinese talaga sila kalaunan.

Bukod sa reklamo, posible rin daw na bawiin ng gobyerno ang mga naturang pag-aari ng pamilya.

Una na ring nahaharap si Guo sa mga reklamong material misrepresentation, qualified human trafficking, graft, tax evation, 87 counts ng money laundering, perjury, falsification, at ang petisyon na kanselahin ang kaniyang birth certificate.

Facebook Comments