
Hindi hindi makadadalo si dating Bamban Mayor Alice Guo sa promulgation sa Pasig RTC Branch 167 kaugnay ng kaso nitong qualified human trafficking ngayong araw.
Kinumpirma ito ng kaniyang abogado na si Atty. Nicole Jamilla.
Ayon kay Jamilla, online teleconference lamang ang magiging pagdalo ni Guo at hindi ito pisikal na haharap sa korte.
Patuloy rin nating hinihingan ng pahayag si Bureau of Jail Management and Penology Spokesperson Jayrex Bustinera hinggil sa dahilan kung bakit hindi personal na dadalo si Guo sa pagdinig.
Samantala, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa paligid ng Pasig RTC kung saan naka-preposition ang ilang mga pulis.
Facebook Comments









