Humarap si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa isyu ng kanyang citizenship.
Sa nasabing hearing, kinontra ng BI ang paninindigan ng kampo ni Guo Hua Ping alyas Guo Huaping o Alice Leal Guo na Pilipino ang ex-mayor.
Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming hawak na ebidensya ang special prosecutor na nagpapatunay na hindi Pilipino si Guo Hua Ping at dinaya lamang nito ang kanyang mga dokumento.
Kabilang sa mga ipinunto ni Atty. Repizo ang fingerprint na hawak ng National Bureau of Investigation o NBI na nagpapakita na isang tao lamang si Gou Hua Ping at Alice Gou.
Bukod sa fingerprint, ipinakita rin ng special prosecutor ang anila’y pekeng birth certificate ni Gou.
Idinagdag ni Atty. Repizo na wala pang naging pinal na desisyon sa pagdinig kanina at binigyan ng 15 working days si Atty. Stephen David, abogado ni Guo para i-comply ang kanilang sinasabing contributing evidence at patunayang mali ang NBI sa inilabas na resulta ng finger prints ni Guo.
Aminado naman ang BI na wala pang katiyakan kung kailan maipade-deport si Alice Guo dahil mayroon pa itong mga nakabinbing kaso sa iba’t ibang korte sa bansa.