Alice Guo, itatratong ordinaryong detainee – PNP

Walang VIP o special treatment na ibibigay kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo na nakapiit ngayon sa PNP custodial facility.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo kung saan ittrato aniya si Guo bilang ordinaryong detainee.

Ani Fajardo, limitado ang galaw o kilos ni Guo sa kanyang maliit na selda at hindi siya papayagang lumabas.


Bawal din ang cellphone o anumang gadgets.

Sinabi pa ni Fajardo na mayroon lamang ipatutupad na visiting hours at tanging mga abugado at immediate family members lamang ni Alice Guo ang papayagang bumisita sa dating alkalde.

Samantala, muling tiniyak ni Fajardo na mananatiling ligtas si Guo habang nasa kustodiya ng PNP lalo na’t una na itong nagpasaklolo kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. dahil umano sa banta sa kanyang buhay.

Facebook Comments